Library Info Team,
isinagawa
Kasama si Gng. Marites K.
Chavez, librarian ng Congressional National High School (CNHS) sa paglunsad ng Library
Infoteam bilang bahagi ng proyekto ng library club na naganap noong Ika
26-28 ng Hunyo 2012.
Pinangunahan ito ng mga Library Club Volunteers
at sinuportahan ito ng mga guro sa English Department.
Tinungo ng mga Library Club Volunteers
ang bawat silid mula grade 7 hanggang 2nd
year upang magbigay ng mga impormasyon
ukol sa ating silid-aklatan.
“Successful,matagumpay at higit sa
lahat nakahihikayat tayo ng mga mag-aaral na magtungo sa ating Library,”wika ni
Jeraldine Villamor, library club volunteer.
Proyektong Paper brigade,Ipinagpatuloy
“Basurang papel sa kahong ito nararapat”
Ganyan
ang tema sa paper brigade sa silid-aklatan ng Congressional National High
School na pinasimulan noong unang linggo ng Hunyo 2012.
Naglalagay ng mga kahon ang mga Library Club Volunteers sa
bawat faculty department at kinokolekta ang mga ito tuwing sumasapit ang Biyernes.
Ginagamit ang pondo nito sa pagbili ng mga karagdagang
aklat na magagamit ng mga guro at mag-aaral sa silid-aklatan.
Isinulat ni MINETTE C. SINALAN
RIZAL Library Club Volunteer
No comments:
Post a Comment